CHILD ABUSE ON WILLING WILLIE SHOW OF TV5 (by Froilan Grate)

Quoted post


Guest

#220

2011-05-07 00:01

Ang pagpuna po sa mga maling gawain ng ating mga iniidolong hosts ay hindi nangangahulugan na ayaw na natin sa kanila. bagkus ito ay isang pagpapakita, na tayo bilang manonood ay humihingi pa ng higit kaysa sa pwede nilang ibigay.

Tulad din po ito ng pamimili.. sila ang nagtitinda.. tayo po ang kustomer.. at bilang isang kustomer may karapatan po tayong humingi ng tama.. pero hindi po ibig sabihin nito ay ayaw na natin sa produkto nila.

maging malawak po sana ang ating pang-unawa na ang mga ganitong pagbatikos ay makabubuti para sa ating lahat.

huwag po tayong matatakot na mawawala ang ating paboritong programa.. dahil hanggat kumikita sila ng milyon-milyon sa bawat isang episode ng kanilang palabas.. umasa po kayo na babalik at babalik yan.

heto po ang link sa kung magkano ang rate ng commmercials sa mga programa sa Pilipinas:

http://wiki.answers.com/Q/How_much_does_tv_advertising_in_the_philippines_cost

sa isang 30sec na primetime slot commercial.. umaabot ng Php 1,000,000.00 ang binabayad sa TV stations. per labas po yan.. so kapag inulit po yung same commercial.. another 1 milyon po ulit yun.. hindi ko po alam kung gaano katagal na ito.. maaring mas mataas na po ngayon..

Sa loob po ng 1 hour na programa sa telebisyon ang karaniwang haba ng patalastas ay umaabot ng 15 minuto. Ibig pong sabihin nito.. kumikita sila ng 60 milyong piso sa bawat 1 hour na palabas. Babawasin pa syempre dun ang bayad sa productions.

At bakit po ba paulit-ulit nilang binabati ang mga pinoy subscribers ng TFC at GMA Pinoy TV? Kasi ba naman US$25 to US$35 ang bundle ng mga channels na ito. Eh ilang milyon po ba ang naka subscribe sa kanila?

Magkano nga po ulit ang premyo dun sa bata para sa kanyang pagsayaw? Php10,000.00? Eh galing pa sa sponsors yun eh!

Sabagay, "SABI NGA NILA" natulungan naman tayong mahihirap.

O baka naman nagamit lamang tayong mahihirap?

Magpasalamat po tayo sa kanila..

dahil mula sa 60M na kinita nila, nabiyayaan ang 1 kababayan natin ng 10K.

Pero teka.. 0.00016667% lamang yun ng kinita nila ah. Daming zero sa harap ano!!!

tayo pong mga manonood ang totoong pinagkakakitaan ng mga TV personalities, TV Networks at mga Sponsors..

"TAYO PO ANG MGA KUSTOMER"

Ngayon sa palagay nyo.. wala ba tayong karapatan na humingi ng mas nararapat para sa atin?

parehas lamang po yan kapag nabigyan tayo ng panis na "menudo" mula sa ating paboritong "turo-turo" sa kanto. pwede rin po tayong magreklamo at isoli ang pagkain.

"RESPONSIBLE BROADCASTING" lamang po ang aking hiling..

natutuwa po ako at kumikita sila ng maganda.. pero sana naman po ay mag-invest naman sila ng konti pa.. para sa mga de kalidad na programa.

pasensya na po kung baluktot ang aking mga pananaw..

Replies

OFW-KUWAIT

#221 Re:

2011-05-30 07:23:53

#220: -  

 Thumbs up for you!