xpresslink

Quoted post

Guest

#635 Re: Re: :::Itimbremokaytulfo@gmail.com

2011-11-15 12:13

#624: - Re: :::Itimbremokaytulfo@gmail.com

Sir,

Ako po si Rio Javier humihingi po ng tulong sa inyo ang kapatid ko po ay nakulong sa kasalanan na hindi naman po niya ginawa.Nagbayad na po kame sa taong nagbintang sa kanya .naayos na po yung releas paper niya.Kulang na lang po yung pirma ng hepe dito sa san antonio nueva ecija.maghapon po kame naghintay sa kanyang presinto,pero hindi po sumisipot dito sa kanyang himpilan.Lumalapit pokame sa inyo para po huminge ng tulong at upang magsumbong sa ginawa ng mga pulis na pangbubugbog ng mga pulis sa aking kapatid.kaya po tinatago nila ang kanilang hepe para po hindi makapirma sa aming release paper at hindi po mailabas ang aming kapatid.Pinaaalam po namin sa inyo upang magkaroon po ng katarungan sa pangbubugbog sa aking kapatid.At umaasa po ako na inyong matutugunan

Lubos pong Gumagalang At Nagpapasalamat,

Rio Javier,Brgy.San Mariano,San Antonio Nueva Ecija(09264148127)

Replies

Guest

#640 Re: Re: Re: :::Itimbremokaytulfo@gmail.com

2011-11-23 08:53:47

#635: - Re: Re: :::Itimbremokaytulfo@gmail.com

Magandang araw po!

Kami po ang residente ng Lower Molave St. Payatas B., Q. C. Nais po naming idulog ang suliranin ng aming Barangay ukol sa kalsada, sa ngayon po ay wala na po kaming maayos na daan dahil isanara ng Gawad Kalinga ang gaming daan. Dati po ay maluwag at kasyang makapasok ang sasakyan. Subalit ngayon po hindi na at isang single na motor na lang ang nakakapasok sa dahilang isinara na nga ng Gawad Kalinga ang malaking bahagi ng daanan.

Ang nais naming idulog, sa oras na magkaroon ng sunog o emergency, paano po makakadaan ang trak ng bombero sa sobrang liit na po ng aming madadaan at nahihirapan na po ang mga estudyante sa tuwing pumapasok sa school sa dahilang umiikot na po sila ng malayo.

At isa pa pong reklamo namin, ay ang mga poso-negro ng bawat bahay ng naturang pabahay ay walang maayos na imburnal at madalas pa ang pag-alingasaw ng mabahong amoy. Nagiging palaging basa na rin po ang aming daanan dahil sa mga naturang poso-negro. At dahil sa basing daanan, naging malubak at sira-sira na po ito.

Napagpasyahan po naming ilapit na po ito sa inyo sapagkat hindi na po ito pinapansin sa barangay at ang katwiran pa po sa amin ay kung wala raw pong reklamo, walang aksyon. Puro na nga po kami reklamo, sila po ang walang aksyon.

Umaasa po kami sa agarang aksyon sa aming idinudulog na problema dahil hindi po nasasabi kung kelan magkakaroon ng trahedya.

Maraming-maraming salamat po sa inyong kooperasyon.

Lubos na Gumagalang,

Ana Liza Jose

Edit Avila

Mga Residente ng Lower Molave St.,

Payatas B., Q. C.

Guest

#641 Re: Re: Re: :::Itimbremokaytulfo@gmail.com

2011-11-23 13:45:22

Tel : 4273364

Mga Residente ng Lower Molave St.,Payatas B., Q. C/.